Home/She’s Mine

Read free books online.

She’s Mine

Chapter 15 I’ll Be The Man (Mia’s POV)

DUMAAN AKO sa isang flowershop bago umuwi. Close na nga sila nang pumunta ako dahil na-late ako ng uwi. Buti at nasa likod lang ng flowershop ang bahay ng may-ari. Pag-uwi ko, nagpalit pa ako ng damit. I will ask the mother and daughter for a dinner date tonight. Mukha namang hindi sila masyadong lumalabas, and this is my chance. Six-thirty pa lang naman ng gabi, I'm sure, hindi pa sila naghahapunan. Akma kong pipindutin ang doorbell nang sumigaw si Cornelia mula sa dulo ng hallway. ita Mia, we’re home!” Tumakbo siya palapit sa akin. “Careful, Honey,” natatarantang sabi ko. Agad ko siyang sinalo ng yakap gamit ang isang braso at tinago ang bulaklak sa likod ko. “Nag-dinner ka na? Tara sa lob,” yaya ni Summer. Hindi ako makatingin ng diretso kay Summer. Hindi ko napaghandaan ang speech, ang reaction, at pang-counter sa kung anong embarrassment ang mararanasan sa pangliligaw na gagawin ko. Gosh! “Tita, what’s that for?” tanong ni Cornelia. Nakayakap pa rin siya sa leg ko at alam kong ang tinutukoy niya ay ang bouquet of roses, Bahagya kong tinapunan ng tingin si Summer na naghihintay din ng sagot ko. “Para ‘to sa iyo, Honey. You were such a good daughter to Mommy Summer and this is my gift for you. Do you like it?” I handed her the bouquet. Cornelia gasped. “Thank you po!” Fuvk! Mukha mang failed ang first attempt, at least Cornelia liked it. “Pasok na muna kayo. Mia, mukhang kagagaling mo lang sa work. Dito ka na mag- dinner.” “Kuma—* “Tita, pumunta kami ni Mommy sa amusement park, iyong pinuntahan natin? Takot na takot si Mommy sa rides. Pareho din kayong takot sa haunted—!” “Cornelia!” Nahihiyang sinaway ni Summer ang anak at dinala sa kwarto nito. “Pasensya na. Bihisan ko lang si Cornelia.” Haunted house, sinong hindi matatakot doon? Si Cornelia lang yata ang nakita kong bata na nag-enjoy sa lugar na iyon. My plan didn’t go well. Bukod sa kumain na sila sa labas, pagod na silang dalawa at hindi ko na makakausap pa nang matagal si Summer. Pero natuwa ako kasi kahit na hindi natuloy ang dinner date, may pasalubong sila para sa akin. Take-out sa restaurant. At least, hindi nila ako kinalimutan. Sabi pa ni Summer, walang ibang bukambibig si Cornelia kung hindi sana dumating ang araw na magkasama kaming tatlo sa pamamasyal. Gusto ko sanang kiligin pero agad naman iyon binawi ni Summer. “Gusto niya raw kasing makita ang mga reaction natin kapag pababa na ang rides. Nag-request nga siya sa management kung pwede palagyan ng camera na magpi- picture sa mga horrified looks ng mga pumupunta sa haunted house, pati na sa roller coaster.” “Such a bully,” iiling-iling na sabi ko habang kumakain Kaming dalawa na lang ni Summer ang nasa dining area dahil nakatulog agad si Cornelia nang matapos itong bihisan. “Yeah, Mukhang ang mga anak ng kaibigan mo ang malalagot sa kanya kapag nagkita-kita sila.” Oh, great! This must mean pumapayag siya! After my dinner na puno lang ng tawanan at small talks, sa living room naman kami nagtabi ni Summer. Matapos kong palitan ang dressing niya, nakatulog agad siya sa lap ko. Marahan ko lang na sinusuklay ang malambot at tuwid niyang buhok. Tanging ilaw lang mula sa kusina ang nagbibigay liwanag sa sala, pero pakiwari ko, malinaw kong nakikita ang kabuuan ng mukha niya. I never felt this feelings before, na gusto kong palaging pagmasdan ang pagtulog niya. Ang payapa at banayad na paghinga niya ay tila naghahatid sa akin ng kakaibang saya. Ang bawat pagkunot ng noo, pagngiwi ng kanyang labi, maging ang panaka-nakang pagkuyom ng kamay, gusto kong ako ang kumalma sa mga iyon. “Summer, what did you do to me?” I WOKE UP from the scent of bacon and scrambled egg. May mga mahihinang pagkanta rin akong naririnig mula sa kusina. Bumangon ako sa couch. Sinilip ko rin ang pinto ng kwarto ni Cornelia, and it’s still closed, tanda na hindi pa siya bumabangon. Pumunta na ako sa kusina. I saw Summer in her blue apron, and her hair is tied up, exposing her white nape Nakapameywangan din siya sa harap ng kalan. Kung pwede lang ba na sa tuwing gigising ako sa umaga ay ganito ang scenario, araw- araw akong magwi-wish sa wishing star kahit walang wishing star. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Narinig ko pa ang pagsinghap niya pero hindi ako bumitaw. I can’t and I don’t want. “M-Mia, maupo ka na. Malapit na rin akong matapos dito.” Napalunok ako, humigpit din ang yakap ko, pero dahan-dahan na rin akong bumitaw. “Yeah. Gisingin ko lang si Cornelia.” “Please do.” Naging magaan ng atmosphere ng agahan. Ako rin ang nagpresenta na ihatid sa school si Cornelia. “Tita, ingat po sa work!” Cornelia kissed my cheeks bago siya bumaba ng kotse. Sa may gate, panay ang kaway niya sa gawi ko. Kung hindi pa siya sinabihan ng guard na pumasok na, hindi siya titigil “I love this girl.” I smiled. Friday ngayon and I have no scheduled operation, kaya hindi ako papasok. Bumalik ako sa unit ni Summer. Nang pagbuksan niya ako, nagulat pa siya nang makita ako. “W-Wala kang—* “Let’s talk.” I pushed myself inside, at wala na ring nagawa si Summer kung hindi ang magpatangay. “Yeah, let’s talk,” sabi niya at naupo sa tabi ko. “Look, I know what you've been trying to do lately at hindi ako bulag para sabihin that you're just being friendly. Kamakailan lang tayo nagkakilala. Yeah, we kissed, pero hanggang doon lang iyon. That's a common thing for me and nothing's wrong with it” I sneered. “I think you're pushing your thoughts on me but I won’t buy it. Common thing for you? I'm fuvking aware of that, Summer. Pero hindi naman iyon ang habol ko.” I grabbed her hand and looked in her eyes. Her baby blue eyes are enchanting and I'm drowning. “{ like you, Summer,” I uttered, without second thought, without nothing to say if she asked why. I have nothing but this feelings. “Nahihibang ka na. You don’t know me, Mia. Ni hindi mo man lang nga sinusubukang alamin kung paano ako nagkaroon ng anak. Oh right, you didn’t even ask if I am into girls.” Now this fuvking hit me hard. Pero hindi ko na hahayaan na mawala pa sa akin ang taong gusto ko. Sabi nga ni Ellyna, make it clear. “I like you whoever you were in the past, and what you may become in the future. I have no reason at all, for liking you, so don’t ask me how and why. You're not into girls? Then I will be the man.” Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang manatili siyang tahimik sa mga sinabi ko. Blangko rin ang mukha at mata niya, and I don’t know how to react. Ayaw kong bawiin ang sinabi ko. I like her. I want her. She's mine. “Bitch...” Oh-oh! Na-miss ko ang kamalditahan niya. “Anak ko lang ang iisipin ko. Manligaw ka, I don’t care. Ikaw lang din ang mapapagod dahil wala kang maririnig na 00 mula sa akin, so back off. Ngayon pa lang sasabihin ko na, hindi ako interesado sa iyo.” She didn’t say no directly, but somehow, I find it cute. And before I knew it, she is already responding to my kiss. Yeah, may pag-asa ako.