Home/She’s Mine

Read free books online.

She’s Mine

Chapter 9 Panic (Mia’s POV)

NABATO ako sa kinatatayuan. Ramdam ko na rin ang paglambot ng tuhod ko. “Tita?” Bigla akong natauhan nang tawagin ulit ako ni Cornelia. I need to gather myself! Dali-dali kong nilapitan si Rain—I mean, Summer Braganza—at itinaas ang kanyang damit. Pinalitan naman ang benda niya pero halatang basta-basta lang. Siya ba ang gumawa nito? Kapalpakan ko dahil hindi ko man lang binigay ang number ko sa kanya. Sana kahit papaano ay natulungan ko siya. She should at least have her wound check the next day! Fuvk it! There’s no use if she should do this and that now. Buti at tinawagan ako ni Cornelia. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung hindi niya anak ang batang ito? Pinalabas ko muna ng kwarto si Cornelia. I can’t let her see this blood in her mother’s body. Baka ma-trauma siya. Mabilis kong tinanggal ang benda niya at pinalitan. Agad din akong tumawag sa OMH para madala si Summer sa ospital. Nilalamig na siya, at ramdam ko na ang bahagyang panginginig at paninigas ng braso niya. God, please... tell me I didn’t cause complication in her body by removing the small bullet. Malapit iyon sa tagiliran niya, at hindi rin ganoon kalalim. But her body reaction is scaring me! Hindi nagtagal ay nasa ospital na kami, Ibang doctor ang nag-asikaso sa kanya, Si Doktora Margarita. Napagalitan pa ako dahil hindi man lang ako humingi ng tulong. Sinabihan niya rin ako na nagmamagaling ako. Tinanggap ko na lang ang mga sinabi niya. Mali ko naman talaga dahil bumigay ako sa request ni Summer na huwag siyang dalhin sa ospital. Ni hindi ko siya naturukan ng anti-tetanus, though I told her to have one, lalo na kung hindi siya naturukan sa loob ng limang taon. Kalandian kasi ang inuuna! Bwisit ka, Mia! Nasa loob ako ngayon ng opisina. Hindi ko kayang tingnan ang mga test na ginagawa kay Summer. Dinala ko rin dito si Cornelia. Hinila ko siya at niyakap. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Namamaos na rin siya na tila hindi siya nakainom ng tubig simula pa kaninang umaga at iyak lang nang iyak. If so, I can already guess na hindi rin siya kumain ng breakfast at lunch. I asked Nanette to bring us some food. Habang naghihintay ay sinubukan kong aluin si Cornelia. Hindi rin siya nagpalit ng damit, suot niya pa rin ang blue pajama niya. I grab my wet wipes in my drawer and wipe her face and neck. Maging ang braso at kamay niya. “Cornelia, magiging ok din siya. Magaling na doktor ang tumitingin sa kanya ngayon.” “Of course, ako pa ba.” Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Doc Marga mula sa pinto. Nakataas ang isang kilay niya at nakapameywangan pa. “You should be thankful. Fever is enough to conclude that she is infected, pero para na rin makasiguro, hintayin din natin ang result ng blood test niya. Her body is overworked, too. Dumagdag ang shock sa—* Dumako ang tingin niya kay Cornelia na nag-aabang ng sunod niyang sasabihin. “Anyway, how did she get that? At bakit hindi nag-report sa ano? Tapos kailan nangyari?” Nagtataka ako sa inaasal niya. Masyado siyang madaldal. Naupo rin siya sa harap ng table ko at humalumbaba, waiting for me to speak. Nang hindi ako sumagot, nagtanong ulit siya. “Saan mo nakita si Rain? Alam mo ba kung sino ang may gawa nito sa kanya? Big news ito!” Oh, I forgot. Summer is Rain, isang celebrity na nakilala ko dalawang gabi ang nakararaan. Should I look at whoever did this to her? Tapos ipapatay ko kaagad? Fuvk! Sa naiisip ko, hindi nalalayong mapatunayan ko na anak ako ng isang mamamatay tao. ailan po siya magigising?” tanong ko bago pa mauwi sa fangirling o tsismis ang usapan. “She will wake up soon. Anak niya ba—* “Miss Mia, ito na po ang foods para sa anak mo.” Putol ni Nanette kay Doc Marga. Mukhang avid fan talaga si Nanette. Even though she can already see the resemblance of Cornelia and her favorite actress, Rain, pinagtakpan niya pa rin. “Oh? Anak mo pala, akala ko kay Rain,” dismayadong sabi ni Doc Marga. Umalis na rin siya agad Good thing Cornelia is hiding her face on my chest. Kung hindi, baka pinutakti na siya ng tanong at pictures ni Doc Marga. I mouthed “thank you” to Nanette at tango lang ang sagot niya. Siya na rin ang naghanda ng makakain ni Cornelia. "Magiging ok din ang Mommy mo, girl,” sabi niya at ginulo ang buhok ni Comelia “H-Hello po. Cornelia po pala ang name ko.” “Ang bait na bata. Nanatte naman po ang name ni ate.” Napangiti ako sa nakikita. Tumigil na sa pag-iyak si Cornelia, at sinimulan nang kumain. Biglang napawi ang ngiti ko nang lumipad ang isip ko sa lagay ni Summer. “Nanette, sabihan mo ang guards na huwag magpapasok ng media. Kung pwede ay maglagay sila ng record book at pasulatin doon ang mga papasok na bisita sa ospital. Kapag Rain o Summer Braganza ang sadya, ipasabi mo na wala dito ang pasyente. Sabihin mo, utos ko.” Tahimik lang na tumango si Nanette at umalis. SURE ENOUGH, media are swarming around the hospital. Tinanong rin ako ni Cornelia na kung pwede kong tawagan ang agency ng nanay niya. Hindi ko naman pwedeng pangunahan si Summer, pero kailangan. Walang gagawa at wala ring alam si Cornelia sa kalagayan ng nanay niya. Ang alam niya lang, may sinat ito at kailangan lang matulog sa ospital. Haist, sana hindi siya magalit sa akin. Binilin ko muna kay Nanette si Summer. Wala akong ibang mapapaki-usapan bukod sa kanya. Bumalik din kami ni Cornelia sa unit nila para kumuha ng pamalit na damit ni Summer. Kinuha ko rin ang phone niya. Ayon kay Cornelia, Loida ang pangalan ng dapat tawagan. Kabubukas ko lang ng phone ni Summer at baha agad ng notifications from internet. All were about her getting hospitalized, and some were making assumptions about Cornelia as her sister, some said she’s her daughter. Forget it. Pumunta ako sa messages at nakita ko na maraming unread messages mula kay Loida. “Stay away from the media. Susubukan kong iliko ang mata nila. Stay safe, bitch. Babalik ka pal” “Sinabi ko na rin kay Madam na isa lang ang may gawa nito, tulad na rin ng sabi mo. Olga is now in hiding. Stay safe.” “Hindi ko makita ang anak mo. I hope she’s fine.” Natatawa ako sa Loida na ito. Kung alam niya ang current state ni Summer, alam niya rin na hindi nito mababasa ang messages niya. If she truly cares, bisitahin niya. Oh, right! Mahigpit ko nga palang pinapabantayan ang kwarto ni Summer. Nag-scroll pa ako sa messages and there when I saw the text, kulang na lang basagin ko sa kamay ko ang phone. “Was it true that Mia Dizon is your lover? Look, bitch, alam ko ang tungkol sa anak mo pati na ang preference mo. But stay away from her kung ayaw mong masira ang career mo. Kaya ko pang pagtakpan ang pagkakaroon mo ng anak, but when it comes to her...”