Home/She’s Mine

Read free books online.

She’s Mine

Chapter 8 Rain (Mia’s POV)

CORNELIA is a good girl. Marami kaming pagkakatulad. Tulad nang madalas naiiwan na mag-isa. I learned na sa unang ilang taon, ang lola niya ang nag-alaga sa kanya. Nang mamatay ito, kumuha ang mommy niya ng katulong, but for some reason, pinaalis niya ang katulong at tinuruan siya ng mga gawaing bahay—tulad ng pagsaing sa rice cooker, at pagwawalis. Sa pagsaing pa lang gamit ang rice cooker, kinakabahan na ako sa pakikinig. Pero sabi naman ni Cormelia, four years old na siya at bantay sarado rin ng CCTV ang buong kabahayan, kaya feel safe siya. At alam niya na kung may mali siyang nagawa ay agad siyang tatawagan ng mommy niya. Kahit pa palagi siyang iniiwan ng mommy niya para sa trabaho, never niya ikinaila na anak siya ng nanay niya. “Summer Braganza.” I looked for her profile pero walang lumalabas. Maging si Cornelia, wala ring social media accounts. Masyado silang private. Kahit madaldal si Cornelia, ramdam ko na pili lang ang sinasabi niya. Ni hindi niya man lang binabanggit kung anong pinagkakaabalahan niya sa tuwing naghihintay siya sa nanay niya bukod sa pagsasaing at pagtulog. I bet she was frightened by her mother. I need to know. Kahit pa ok lang kay Cornelia ang daily life niya ngayon, hindi ito tama. Aampunin ko siya. Ako ang magpapalaki sa kanya. I can just quit my job, and be with her. Hindi na siya magtiyatiyaga na maghintay sa maghapon. Hindi na rin siya magsasaing. Ako ang gagawa ng lahat para sa kanya, so that she can just enjoy her childhood days playing around with her friends and have fun in her school. I smiled. I don't need love life. Kung hindi man ako biyayaan ng anak mula sa sariling sinapupunan, I can just adopt a child and treat her as my own. Bukas na bukas din, kakausapin ko ang ina ng bata. Kung kailangang sampalin siya ng pera para ibigay niya ang bata, gagawin ko. But no. I need to talk with legalities, baka isipin ng ina na kinukuha ko ang bata for something else. I was known to be the daughter of a heartless human trafficker, after all. Ipinikit ko na ang mata para matulog. I can still feel her soft and delicate hand on mine. And before I knew it, Iam dreaming of the days na tinatawag na akong mommy ni Cornelia. Soon, she will be Cornelia Bella Dizon. HINDI KO na nagawang pumunta at kumustahin sa kanyang unit si Cornelia. Nasobrahan ako sa pananaginip at nagising ako, thrity minutes na lang bago ang working hours. Sakto pa na hectic ang schedule ko. Sunod-sunod na operation ang ginawa ko. Kulang sa manpower ngayon ang hospital. Mukhang busy rin ang ibang doctor sa ibang ospital at kaunti lang ang naka-duty ngayon dito. Ang iba ay naka-leave. Though they were all minor surgeries, the numbers were killing me. Nakahinga lang ako nang maluwag bandang alas dies na. Mabilisang lunch lang din ang ginawa ko. Pabalik na ako sa opisina ko nang makita na nakatayo sa labas si Nanette. "Miss Mia, I'm sorry. Hindi ko po naayos ang schedule nila—" Itinaas ko ang kamay ko para patigilin si Nanette sa paghingi ng tawad. Though it was her fault, nangyari na ang nangyari. At isa pa, mabuti na rin ang ginawa niya. Ang iba sa naoperahan ko kanina, need talaga ng agarang operasyon. May naisingit pa ako na napilayan at kailangang sementuhin ang braso. Though it wasn’t my forte dahil oncologist ako, madali ko lang nagawa dahil may nag-guide na orthopedist sa akin through video call. "Treat ko na lang po kayo ng dinner to make up for my mistake.” “No, it’s ok.” Naupo na ako sa swivel chair ko at sumandal doon. I'm not in the mood. Nasimulan ko ang araw ng late. Ican only hope that this day will end na hindi ako bwisit. Tawagan ko na lang si Cornelia. Kumain na ba siya? May pasok ba siya ngayong araw? Grade-one na rin naman siya. Maghapon na rin ang klase nila Mamayang uwian na lang. Akma kong ipipikit ang mata ko nang umalingawngaw ang ringtone ko. Kinuha ko na lang iyon sa drawer ng desk ko at napangiti nang makita ang nakarehistrong pangalan sa screen. Agad kong sinagot ang tawag. “Cornelia—* “Tita Mia, help! Si Mommy, ang init!” Nahigit ko ang paghinga. Ramdam ko ang takot sa panginginig ng boses ni Cornelia. Pero may kung anong gumuhit sa puso ko, at tila niyakap ako ng malamig na hangin. Sa hindi ko maintidihan na dahilan, binalot na rin ako ng takot na tila may mawawala na naman sa akin. “'m on my way, Baby. Sa ngayon, punasan mo ng basang bimpo ang buong katawan ni Mommy. I'll be there in a minute.” Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Nanette at mabilis na umalis. Bumabyahe na ako, and thank God, it wasn’t a busy hour on the street. Maging ang pagtaas ng elevator ay tila tumagal ng isang oras. Nang makarating ako sa eighth floor, agad kong pinuntahan ang room nina Cornelia. Sa kaba ko na hindi ko alam kung saan nanggaling, sunod-sunod ang ginawa kong pagpindot sa doorbell, even though I know na agad lang din akong pagbubuksan ni Cornelia. Nang makita ko siya, natulala ako sa kanya. Iba ang hitsura niya kumpara kahapon. Hindi na ganoong kakapal ang kilay niya, her lips is full, no big mole under her right eye, and her hair is straight. Ni hindi ko man lang napansin na naka-make up siya kahapon. Or ngayon siya naka-make up? She reminds me of someone, at pilit ko ngayong inaalala kung sino. Natauhan lang ako nang magsalita siya at sumisinghot pa. “Tita, si Mommy...” “Shh... it’s ok. Where’s your Mom?”. Agad niya namang tinuro sa akin ang kwarto ng Mommy niya. And there, in a room filled with relaxing shade of blue, in the middle of the bed is someone I have been looking for in the past few days. Mabilis ang pagtaas-baba ng malaking dibdib niya, bakas rin sa nakakunot niyang noo at magkasalubong na kilay na nahihirapan siya sa paghinga, may mga namumuong butil ng pawis sa noo at leeg niya. Even her hands are gripping on the bedsheet. “Rain...”,