Home/She’s Mine

Read free books online.

She’s Mine

Chapter 6 Single Mom (Summer’s POV)

LOOKING AT HOW my daughter is anticipating my yes, I have no choice but to do so. emember to behave, huh? Baka nga wala sa pad niya si Miss Mia. She is a doctor, you know.” Sinusuklay ko ang buhok ni Cornelia para ayusin ulit ang wig niya, habang nililinis niya ang makapal niyang salamin. I remember I was given thirty minutes, pero kahit ngayon lang, gusto kong maging priority ang anak ko. Bahala na ang manager ko na maghintay at mag-adjust. “Nakasabay ko po siya sa hagdan. Sira po iyong lift.” “Oh!” Good excuse for me. Kapag sinuswerte nga naman. Pumili siya sa walk-in closet niya ng isang royal blue sleeveless mini-dress. We both love any shade of blue because it’s calming to look at. Maging ang buong bahay namin ay more on blue—from the wallpapers, flower vase, the couch and the carpets, pati na ang curtains at beddings. “So? Paano ka makikipaglaro kay Miss Mia? Kakatukin mo siya?” “She gave me her number.” Fuvk it! Mas mabilis pa ang anak ko kaysa sa akin. Oh well, I don’t care about the bitch. Mukha namang hindi niya gagawan ng masama ang anak ko. If so, I have CCTV installed in my whole house, mache-check ko si Cornelia all the time. “Dito lang muna kayo sa bahay, is that ok?” After an hour of making sure my daughter is of good state, and I'm done preparing myself, pumunta na ako sa agency—ang kasumpa-sumpang RAS Entertainment. After the success of the erotic movie I starred eight years ago, I quit being an actress. At dahil hindi ako nag-college, nag-part time ako as a singer sa mga bar. At matapos lang ng dalawang buwan na walang stable na trabaho ay inalok ako ng RAS Entertainment Agency na maging isa sa mga rising star nila, I didn’t do a background check on them dahil na rin sa dala ng kagipitan at ang needs ko for my pregnancy kaya agad akong sumama. To think that they were near bankrupt at ako ang na-discover nila na magsasalba sa kanila. Naawa na lang ako sa sarili ko noon dahil lapitin ako ng kamalasan. Without my ex- girlfriend, feeling ko naliligaw ako palagi. Bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin sa text at sinabing sasama na siya sa ibang lalaki. Doon nagsimula ang pagiging workaholic ko. Ayaw kong wala akong ginagawa. I smirked. Tama, simula nang maghiwalay kami ni Maxie, tinuon ko ang oras ko sa pagtatrabaho para makalimot, sinarado ko na rin ang puso ko sa mga taong nais lang maging parte ng buhay ko. At naapektuhan nga ang relasyon ko sa anak ko. Sana naman, hindi iyon isumbat sa akin ni Cornelia pagtanda niya. I sighed. Winaksi ko na rin iyon sa isip ko. Ayaw kong masira ang araw ko. Pagpasok ko sa building, I saw Loida, my talent manager, waiting for me in the waiting area of building. Nasa ikapitong palapag ang office at studio ng agency. nong gamit mong wristwatch? Is thirty minutes hour and a half in it? That's amazing!” At ngayon nga, feeling ng agency na ito, hawak nila ako sa leeg para manduhan ang bawat galaw ko. Matapos lang talaga ang kontrata ko sa kanila, I will show them who needs who. “Sira ang elevator sa building and I have to wait para maayos iyon. Do you want me to walk around in sweats? Unless you no longer care about the appearance,” ganting sagot ko sa sarcasm ni Loida. Hindi nila ako binigyan ng private service, and even securities ayon na rin sa request ko. Hindi ko rin sinabi sa kanila na may anak ko, maging ang pagiging lesbian ko. Ang alam lang nila, I badly needed money and that I had no choice but to put up with their attitudes. “Fine, you win!”. Loida is a good manager. Pero may pagkasipsip siya sa big boss kaya ang lakas ng loob magtaas ng boses na animo’y tagapagmana ng kompanya, tauhan lang din naman siya. But most of the time, she tends to my requests, lalo na kung involve na ang karibal ko sa industriya. Sakay ng elevator, itinaas ko ang damit ko para ipakita kay Loida ang natamo kong gunshot. That was the warning Olga gave me. That whore! Sa nakalipas na taon, walang pisikalan na nangyari, puro lang siya paninira sa social media na agad namang naaksyunan ng agency ko dahil puro lang naman kasinungalingan ang pinapakalat niya. Good thing na agad namang naalis ni Mia iyon. Umiinom din ako ng antibiotics na prescribed ni Mia. Kumikirot din ito sa bawat paggalaw ko, At ramdam ko na, na hindi ako makaka-survive sa maghapon kung papagtrabahuhin at papagurin nila ako ngayon. Matagal din bago ako nadaluhan ni Mia kagabi. Wala namang imik si Loida na nakatingin sa may bendang tagiliran ko hanggang sa makapasok kami sa opisina ni Madam Denver. “I clearly told you to report everything, Summer!” sigaw ang ibinungad sa akin ni Madam Denver nang makaupo ako sa couch. “When I mean everything, I mean every single thing! You are my money, and I won't deny that. Kapag napahamak ka, malaking kawalan iyon sa akin. Will you melt down your stubbornness for once?!” Hindi na lang ako sumagot. Baka kung ano pa ang masabi ko. Sapat sa sa akin na alam nila ang tungkol kay Olga. Gawan nila iyon ng paraan para maging healthy ang working environment ko. We will both benefit from it, after all. Nakita ko na lang na hinilot niya ang kanyang sentido. “I will give you three months off. Kung hindi pa nasabi sa akin ni Loida na may anak ka, baka nakipag-agawan na naman ako sa ibang agency.” Nagulat na lang ako sa mga sinasabi ni Madam. Nagtataka na tumingin din ako kay Loida. “Paano—". yaw mo ng private service pati na body guards so I have no choice but to protect you from the shadows. Nataon na nakita ko ang bata. Kung nilinaw mo sa amin, eh ‘di sana maayos ang schedule mo, hindi iyong tila nagnanakaw ka lang ng oras para sa kanya. Anong tingin mo sa amin, masamang tao?” Napangiwi ako sa sinabi ni Loida. Hindi ko maiwasang magduda. Seven years kong tinago ito at ngayon lang nila nalaman. My daughter was walking freely, going to school, living like any other child her age, kahit may disguise siya sa lahat ng pagkakataon, we are living in the same place—the same place, according to Loida, is protected by her. Kung talagang may itinalaga silang body guard para sa akin, napakapalpak naman. Nagsayang lang sila ng pera. At isa pa, para saan? Unless they're lying about this securities. And giving me three months is questionable, too. “Are you terminating my contract? Si Olga ba? Nabili na rin ba kayo ng babaeng iyon?" Pagod na ba sila sa paglinis ng pangalan ko dahil sa mga ginagawa ni Olga kaya they are giving up on me?