Home/She’s Mine

Read free books online.

She’s Mine

Chapter 7 Stay (Summer’s POV)

“JUST ACCEPT the offer, Summer! Huwag ka nang magmatigas, pwede? Para na rin iyan sa anak mo. May naipon ka namang pera sa nakalipas na taon na pagtatrabaho. Makaka-survive ka naman siguro sa tatlong buwan, ano?” That's what Madam Denver said. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda sa biglaang pagdesisyon niya. He didn’t even ask for my opinion. Umuwi na lang ako sa bahay. Pagbukas ng pinto, walang Cornelia na sumalubong sa akin. Sabi ko, dito lang sila! Kinuha ko ang phone ko pero binaba ko lang din agad. If I were to call my daughter now, tapos nag-e-enjoy siya kung nasaan man siya ngayon kasama si Mia, baka masira ko lang mood. Hintayin ko na lang siyang umuwi. Ayaw ko rin naman katukin si Mia sa unit niya. Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Pumunta na lang ako sa mini-studio ko rito sa bahay. Now that I have three months off hindi ko rin magagawang magpahinga. Ramdam ko na ang pagka-miss sa araw-araw na shooting at recording. ‘Maybe, I was never meant to be a mother.” Never kong naging priority si Cornelia though I provided her what she needs—but never my full attention. I picked up my guitar and started strumming and humming. “If only I could say those words, maybe this time I'm not alone. And you're still here with me, together we share the world we made. But because of my innocence, wondering what it really means. Now you leave me, and everything is just a dream.” Hm? Not bad. It may sound so young, as if I was just a teenager who is starting to fall in love, but the lyrics hit my darkest spot. My innocence was long taken by Maxie. She took me to the world new to me—her love that opened my eyes. Dahil sa kanya, nangarap ako. Sabay naming pinangarap ang pagbuo ng pangalan sa entertainment industry. At first, we tried singing. Iba’t ibang singing contest ang sinalihan namin. And there we met Olga Oliveros. Siya ang nag-suggest na i-try namin ang acting. And sure enough, we were given a chance pero extra-extra lang. May agency naman na humahawak sa amin pero hanggang extra lang talaga ang binibigay nilang role sa akin. Sa apat na taon, iyon ang naging takbo ng career namin. Not until I got the offer to star sa isang erotica movie. Katambal ko roon ang isang sikat na artista, ang tinagurang top one sa one-hundred hottest men na si Kent Anderson. It was a dream came true but a nightmare for the rest of my life. Dahil sa movie na iyon, 00, sumikat ako. Pero kapalit noon ay sunod-sunod na kamalasan. Nagsimula akong kainggitan at siraan ni Olga. Naghiwalay kami ni Maxie, sumama siya sa ibang lalaki at hindi na nagpakita pa. She even told me that I was just a fuvk buddy, for experience dahil sa huli babae pa rin siya at lalaki pa rin ang hanap ng katawan niya. Ang malala pa, nagbunga ang pananamantala ni Kent, at si Cornelia iyon. I want to sue him. I want to look for him. But I don’t have the power and money. “If only I could say those words, maybe I didn’t make you fly...” I sighed and put down my guitar. Looking back, it was so good to dream with my hands intertwined with Maxie’s. Gusto ko siyang makita ulit. Gusto kong itanong kung saan ako nagkamali. Bakit bigla ay iniwan niya ako? Napagod ba siya? Nilunod ko ang sarili sa mga tanong na unti-unting lumilitaw. Ito nga ang gusto ko, mabigyan ng bakasyon, pero isipin ko pa lang na tatlong buwan akong tambay, tila malulunod ako sa problema at alaala ng nakaraan. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa labas. “Ok! Sakto four, naka-uwi si Cornelia, yehey!” “Yehey!” I can sense from their voices na naging masaya ang paglabas nila ngayon. “Tita Mia, may work ka na po bukas? What time ka po uuwi?” “Five. Gusto mo bang mag-play ulit tayo?” “Paalam po muna ako kay Mommy.” Biglang lumungkot ang boses ni Cornelia. I sighed. Igugugol ko na lang ang oras ko sa anak ko. Halos walong taon na, tama na sigurong pagmo-move on iyon. Anak ko naman ngayon ang aatupagin ko. Ano kayang magandang bonding?, “Ingat po sa pag-uwi, Tita!” Matapos sabihin ni Comelia iyon ay umalingawngaw ang pagsara ng pinto Gusto ko na sanang lumabas nang marinig kong kumanta ang anak ko. “I love you. Stay. Fantastic, isn’t it? But I’m hurt because of it...” Tila piniga ang puso ko sa linya. Kapag wala siyang pasok 0 napaaga ng uwi, wala siyang ginawa kung hindi ang maghintay at manood ng TV. Iyon ang nakikita ko sa CCTV. Ngayon lang siya nakalabas. Buo na ang desisyon ko. Forget about other things. Sa loob ng tatlong buwan, I will make our days memorable. Blessing in disguise ba na lumala ang galit sa akin ni Olga? Dahil sa ginawa niyang warning, I was given a long vacation na never kong hiningi. Mayamaya ay nakarinig ako ng mga kaluskos sa kusina, buhos ng tubig sa gripo at pagtama ng metal na bagay. Napangiti ako. Lumabas na rin ako ng studio para tulungan ang anak ko. Nakita ko siyang dahan-dahan na bumababa sa upuan sa harap ng lababo. Nang makababa siya, saka ko siya tinawag. “Cornelia.” Biglang lumiwanag ang mukha niya. Dali-dali niyang iniwan ang ginagawa sa rice cooker at lumapit sa akin. Yumuko ako para saluhin siya ng yakap. “Ang aga niyo po. Wala ka pong work?” “Guess what?” Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko na lalong nagpaliwanag sa mukha niya. “Three months, Cornelia. Let's have a long vacation.” “May school po ako.” Napapikit ako nang mariin. Piningot ko rin ang matangos niyang ilong. “Pwede ba, huwag mong i-spoil ang surprise ni Mommy?” Tawa lang ang naging sagot niya. Naging mahaba para sa akin ang araw, maging ang gabi. Feeling ko, nagsisimula ko pa lang kilalanin ang sarili kong anak. Nasabi niya na una niyang nakita si Mia noong umuwi itong umiiyak, ilang taon na ang lumipas. Ang dami niya ring kwento tungkol sa school niya. She even swear na never niyang tinanggal ang disguise niya. Simple lang naman ang disguise niya, mas makapal na fake brows, nilalagyan ko siya ng malaking nunal sa ilalim ng mata, pinapaliit ko ang lips niya using make-up. Buti nga at nakahanap ako ng make-up para sa bata. Ipapa-check ko ang skin niya sa derma. I need to set my priorities now. Hindi na bumabata ang anak ko at hindi pwedeng palaging ganito ang set-up. Kahit naman anak ko siya sa isang tarantadéng lalaki na animo’y santo sa mata ng madla, she is one-hundred percent from me. Paano ko kaya siya ipapakilala sa publiko? Para naman free na ako na makagala kasama ang anak ko.